Entry: Mani Vendor Saturday, February 04, 2006



"Oh mani mani! Madaming bawang! Mani mani!"

   Siguro naman nakasakay na kayo ng bus no? At siguro naman nakikita niyo ang mga dakilang mani vendor na pumapasok sa bus para mag-amoy bawang ang loob? Hehe... La lang... Ganito kasi ung experience ko sa mani vendor...

   Nung Friday, February 3, 2006, sumakay na'ko ng bus sa Ayala pauwi. Yung bus na un, dumadaan ng Magallanes. Pagdating sa Magallanes, me umakyat na mani vendor. Tapos siguro wala ako masyadong iniisip nun kaya napansin ko lang ung "monologue" or "catch phrase" niya sa pagbebenta...

"Oh mani mani! Madaming bawang! Mani mani!"

   Di ko alam kung bakit ko napansin un pero me mga kasunod pa. Ung isang pasahero (babae) na nakaupo sa bandang likuran ko, bumili siya ng mani. 10 pesos yata. Pagkatapos niyang bumili, sabi nung mani vendor...

"Eto'ng mani, sampung piso. I love you."

   What?! Hehe syempre alam ko pakulo lang yan nung mani vendor. At mabenta ha, na-entertain ako. Me kasunod pa yan. Pagkatapos ng pagfflirt niya dun sa babae, pumwesto siya sa may pintuan ng bus. Diba ung mga vendor na yan, sumasaydline na maging barker? Kaya un, nagtawag siya ng mga pasahero... Alam niyo kung anong sabi?

"Alabang! Alabang! Pacita! Pasok mga boys, madaming girls!"

   What uli?! Hehe... Ang saya! Ako tuloy napangiti. Napatingin na rin ako sa mga pasahero ng bus. Aba, oo nga! Puro girls ung mga pasahero! Pero very old girls naman hehe... La lang... Ewan ko talaga kung bakit pero natuwa ako sa mga pinagsasasabi nung baliw na vendor.

   At as usual, napaisip na naman ako. Kaya nga ako nainspire na gumawa ng entry tungkol sa mani vendor eh. Hehe naisip ko lang kung gano kasimple ang buhay nung mga tindero sa bus. Dati pag nakikita ko sila, laging pumapasok sa isip ko, "sus, sino namang bibili sa kanila?". Siguro kasi pinalaki akong nakatatak sa isip na madudumi ung mga binibenta nila. Pero ngayon, sa init ng panahon, sa kawalan ng perang bumili ng kape sa Starbucks, at sa gutom na dala ng pagco2mmute, it's either mani or die.

   Tao rin sila diba? Marunong maging masaya, maging malungkot at marunong matakot. Sa mga panahong nagbebenta sila ng mani, darating din sa kanila ung feeling na walang masamang mangyayari sa araw na un, kikita sila ng malaki, makakapag-uwi sila ng pagkain sa pamilya nila, me pansugal na naman sila o kaya ay mabebenta nilang lahat ang mani nila. Parang sa isang estudyante diba? Mafifeel mo na sa araw na un, walang mangyayaring masama, mapeperfect mo ang mga quizzes mo, mapupuri ka ng teacher mo, magsasaya kayo ng barkada mo buong araw, at pagdating mo sa bahay wala kang poproblemahing assignment. Simple lang diba...

...

   Ang boring noh? Puro mani ang pinaguusapan. Sorry kung medyo nagiging "philosophical" ang mga pananaw ko hehehe... Wala pa kong maisip ipost eh. Anyway, ang gusto ko lang sabihin, nag-enjoy ako dun sa baliw na vendor. Hehe un lang...

   Hanggang dito na muna ha? Ingat kayo lagi. Baka dumami ang pimples sa kakakain ng mani... God bless! Comment kayo ha...

   7 comments

faye
February 10, 2007   09:53 PM PST
 
hi...hehe...i was about to research about peanuts, un kc topic ko sa isusulat kong culture article.....nhihirapan kc akong sumulat about mani...ung tipong idedescribe ko lahat ng klase ng mani like panutsa, adobong mani and all dat..hehehe...nkakatuwa post mo...
krizia
February 16, 2006   01:08 PM PST
 
paoshi! update nman jan XDD

try mo mag lagay ng tagboard para masaya!

musta na? miss ko na kayo! sana makauwi na ako jan bago ka umalis (kung aalis ka man)

take care, my best friend!
jen
February 12, 2006   11:46 PM PST
 
naks. kakatuwa naman post mo paolo. ^_^ hmm buti naman madami ka ring narealize.. talagang nakakatuwa ang buhay. depende na lng qng pano natin titingnan ang mga bagay2.. nakakatuwa lang ding malaman na khit papaano nakikita natin kina manong mangmamani how they are happy with their life. sumisigaw ng "mani mani!" .. with smiles on their faces. hai,, God really loves us all.. ^_^ ingat ka!
estrangeho
February 12, 2006   08:36 PM PST
 
nakakatuwa naman kwento mo
hzl
February 11, 2006   07:41 PM PST
 
ahihi..narating ko rin blog mo! =) punta ka sakin. malabo yung pero masaya! (karamihan) hehe =)
mean sea level...
February 7, 2006   01:37 AM PST
 
pati vendor ng mani pinatulan mo...tama ba naman yan...hehehe...siguro sa kakasakay mo ng bus na inlove ka na sa magmamani...ikaw ha...sa ibang makakabasa nito pagapaxenxahan nyo na lang ito...malakas lang talaga ang tama nito...mahilig ito mang-indyan..magsama kayo ni ****... aba...malapal to...ewan ko sa taong ito...wala sa topic ung comment koh... hehehe...la lang...tinatamad na kasi akong basahin ung tinype nya... at ang liliit pa ng font..tapos ung isang topic tungkol sa pinoy big bro... ang lalaki nung font..tapos ung isa puro red..dark color pinarahas sa dark color...tama ba naman talaga yan...sorry ha pero sabi mo magbigay ng comment.. nagbibigay lang ako ng comment...pao, wag kang magalit ha...hehehe...by the way high way...ito lang ang batch mate sa aking former alma mater na madalas kong makita...kasi halos pareho kami ng sked...kaso lang ung akin bigay ung kanya xa mismo amg pumili...hehehe..ewan ko na lang kung di mo pa ako kilala...basta...gud friend toh...parallel sa best friend koh... oo, pareho kasi silang may topak...tapos kapag tinamaan malakas masyado...hehe..sige..na..ingatz...sa susunod ulit nating pagkikita...god bless...
jem =)
February 4, 2006   10:17 PM PST
 
hui! =) astig ung kwento mo tungkol sa mani vendor ahh.. pati ako natawa sa sinabi niya.. hehe.. geh, ingatz!

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments