|
Masaya dapat pag Anniversary diba? Nung sinundo ko si Ella (friend ko) sa dorm niya, kinuwento niya sakin ung nangyari sa Wowowee. Nung una parang wala lang sakin... "Ahh okay..." ganyan lang reaction ko nun. Pero nung mom ko na ung nagkwento sakin, syet... ang tragic talaga... Kung hindi iaanalyze ung incident, at kung sobrang babaw lang ng utak mo, iisipin mong kasalanan itong lahat ni Willie Revillame (host). Pero hindi naman talaga. Actually un nga rin una kong inisip eh... "Ayan kasi! Pa-Ultra-Ultra pa!" Nakakaawa lang talaga ung mga namatay at mga namatayan... Speaking of awa, madali akong maawa. As in madali... very easy... not so hard... not so difficult... Kaya nung nalaman ko pang puro matatandang babae ang karamihan sa mga namatay, naku... nakakaawa talaga! Tsaka nanonood din kasi ako ng Wowowee kaya alam ko kung sinu-sino at anu-ano ang mga itsura ng mga faithful viewers. Bakit kaya nagka-stampede noh? Sabi raw kasi, me mga nag-overnight dun sa Ultra kagabi. Ganun sila ka-excited sa celebration. Tapos nung nagpapasok na raw, sinarado na agad ung gate, meaning hindi lahat nakapasok. Kaya raw nagstampede. Ang tagal-tagal daw kasi nilang naghintay tapos sasaraduhan lang sila ng gate. Hindi yata sila makakapayag nun! Tsaka halos silang lahat, walang dalang pera. Nagbabakasakali lang talaga silang mabigyan ng dollars sa Wowowee. Pera nga naman oh... Ano kaya itsura nung mga namatay sa stampede? Madami kayang bakat ng sapatos sa mukha nila? Ung iba naman daw, hindi nakahinga sa sikip. Ung iba, hindi nakaya ang sari-saring baho ng mga tao (ngyak!). Karamihan siguro naapakan na lang. Imagine? Nakatayo ka lang, nakikisabay sa daloy ng tao. Maya-maya konti, na-out of balance ka, nahulog, naapak-apakan, patay! Ganun lang kasimple ang death mo. Wala man lang twist. Tsk tsk... Stampede nga naman oh... Moral lesson? Pag-aralang umakyat ng walls para hindi masama sa stampede. Ehem... Ang natutunan ko lang naman dyan eh talagang madaming nanonood ng Wowowee. Madami na talagang taong naghihirap sa Pinas. At masasama itong insidenteng ito sa kasaysayan ng Philippine Entertainment hehe... Haay... Ayan tuloy na-postpone ung Big Brother... Pagdasal na lang natin ang mga namatay at namatayan. Sana hindi na 'to maulit no? Para wala nang ibang palabas na mapo-postpone... Kaya kayo, lagi ko kayong sinasabihan ng "ingat lagi!" and I really meant every single one (shucks...) hehe... Kaya... Ingat lagi!!! God bless sa inyong lahat. Wag sasama sa stampede ha? Comment kayo! |
| mean sea level... February 7, 2006 01:42 AM PST magpalit ka na ng picture mo...mukha kang batang yagit.. gamitin mo ung sinasabi mong "charm" nung ayc election..hehehe....bati tayo....masanay ka na sa akin...kala ko pa naman kung ano tong pinapabisita mo sa akin...my gollygosh...batang yagit lang pala makikita koh..kala ko pa naman makalaglagpanty yan..di pal itataas mo pa yata eh...hehehe...ingatz ulit at god bless...sa mga may peelings sa taong ito...sorry kung naaapektuhan kayo...bussiness lang po...ginagawa ko lang po trabaho ko bilang isang student...(koneksyon)...hehehe....weehhh!!!!! | ||
| T*ps! February 5, 2006 01:54 AM PST kahit pa sabihan akong mababaw ang isip, para sa akin may kasalanan pa rin ang wowowee sa nangyari. imagine, 79 people are dead. patay. walang buhay. di na humihinga. at ano ang dahilan? ika nga ni amy perez, esep-esep. hindi siya kasing-babaw ng iniisip mo na iniisip ko. peace!! hehe... ang sipag mo magsulat. ang hahaba ng posts mo, ah. sana may chatterbox ka, para mas dynamic ang atmosphere. | ||
| `jo- February 4, 2006 07:45 PM PST hehe..oo na, madali ka ng maawa.. :P pero nakakaawa talaga sila noh...ang sabi naman skin khpon, kaya dw ngka stampede kc may sumigaw daw na may bomba...bad publicity para sa abs at sa wowowee..andami pa naman nilang natutulungan... abnormal tong keyboard na to kaya d ako makagawa ng sad face...grr... astig puro opinions...kung may tyaga ba akong gumawa ng ganto wala na kong problema sa pan pil blog...hehehe... kaw din..ingat lagi :P ay! ung sa multiply ko wala masyadong kwenta yung entries...magkakaroon din ng may kwenta pag maayos na computer namin sa bahay...heheh... | ||
| Leave a Comment: |