|
Pinoy ako, pinoy tayo! Sa Feb4, Pinoy Big Brother na naman! Iba talaga ang pinoy no? Biruin mo, celebrity edition? Yuck ha... Para sakin kasi, chance na naman yan ng mga artista para magpaka-plastic para ipakita sa viewers ang "totoong personality" nlia. Or para gumanda ang image nila. Ewan ha hehe... Dati, nung nanalo si Nene, natuwa ako nang marinig kong me Season 2 ang Big Brother. Pero nung nalaman kong mga artista ang papasok... Ay, corny na! Para tuloy malaki ang galit ko sa mga artista no? Hehe di naman... Isa pa ung reality show mismo. Alam kong pumipili ang mga producers ng iba't ibang tao na may kanya-kanyang "character" para magsama-sama sa bahay. Expected na syempre ang pag-aalitan sa loob... Pero kung iisipin niyo, bakit nila pinili si Franzen? Kasi mahirap siya diba? Para may kaawaan? Bakit nila pinili si Racquel? Kasi alam nilang kaaayawan siya diba? Pati si JB? Hindi ba parang exploitation un? Anyway, di ko sila masisisi. Un naman kasi ang goal nila diba? Tumaas ang ratings. At talagang mataas ang ratings nila! Feeling ko ang daming nanood nung The Big Night. Un yata ang episode na may pinakamaraming viewers (sumunod sa The Battle: Pacquiao vs. Morales). Hehe aaminin ko, nanonood ako nun! Kaso ngayon, mga artista?! Me nakapagsabi sakin na once you enter showbusiness, your life is an open book. So bakit pa nila kelangang magpa-Big Brother kung habang nasa labas pa sila ng bahay eh ang dami ng nakakaalam kung anong klaseng tao sila diba? La lang... Basta para sakin, I'm not interested. And I won't be. (taray...) Split pa rin ang opinions ko regarding Big Brother. Kasi me part sakin na na-eexcite para makita kung sino ang mga celebrities na papasok. Syempre medyo excited na rin ako sa mga gagawin nila sa loob. Pero siguro ang gusto ko lang malaman ay kung sino ang makakatagal sa loob. Pero para sa mga "problema" nila sa buhay... sus! Never mind... Sa boses ni Big Brother, hindi ba kayo napapangitan? Hehe la lang... Para kasing kung sinong tao na lang ang hinila nila para magboses dun eh. Isa pa si Willie. Ang galing galing galing niyang maghost!!! Syet... Talagang iniisip niya kung ano ang sasabihin niya, literally! At sa kakaisip, tumatagal bago siya nakakapagsalita sa mic. Minsan, nagkakamali pa siya sa english niya. Pansin niyo ba un?! "Sam, YOU... ARE THE PIP... EBIKTI!!!" <--- Naaalala niyo ba yan? Feeling ko tumalisk laway ni Willie nang sinabi niya yan. Feeling niya kasi siguro na sikat na sikat na nun si Sam kaya nung nalaman niyang siya ang ma-eevict, buong feeling niyang inanunsyo sa mundo niya SIYA ANG EBIKTI!!! Sige yun lang... Nood na lang tayo no? February 4 sa ABS-CBN. (aba, sponsor?) Hanggang dito na muna... God bless sa lahat! Comment kayo ha... |
| Leave a Comment: |