 |
 |
 |
 |
 |
|
Saturday, February 18, 2006
Hehe bakit nga ba ako gumawa ng blog?!?
Dati hindi ko alam kung ano ung blog. Sa Friendster ko unang na-encounter ung term na un. Gumawa pa nga ako ng blog dun eh kahit di ko alam kung anong gagawin ko dun. Tapos ngayon, medyo nahikayat na gumawa ng bago. Pero hindi pa rin malinaw sa'kin kung para san 'tong blog.
Sabi sakin, parang online journal daw. Pwedeng editorial, pwede ring album. Para sa'kin, kung anu-ano na lang ang pinaglalalagay ko. Masayang magtype eh. Lalo na pag bored.
Kilala niyo ba si Bob Ong? Ung author ng ABNKKBSNPLAko, Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino, Ang Paboritong Aklat ni Hudas, Alamat ng Gubat, at Stainless Longganisa? La lang... Nakakatuwa kasi siya. Na-inspire akong magpublish ng mga ganitong write-ups dahli sa kanya. Ung tipong binibigay mo lang ung opinion mo pero nakakatuwa? La lang... nakakatuwa talaga hehehe... (pakibilang kung ilang beses kong sinabi ung salitang "nakakatuwa")
Anyway, sa mga panahong ito, nag-iisip pa rin ako ng ipopost ko. Sunday kasi eh at hindi ako mapakali tuwing Sunday. Bakit? Kasi Monday kinabukasan. At ang ibig sabihin pag Monday, me pasok na. At ang ibig sabihin ng me pasok na, aral mode na naman... Grrr... Hehe...
Pero nakakatuwa ring pumasok. Dun ko kasi nakukuha ung mga gusto kong ipost dito eh. Nagcocommute pa naman ako mula Muntinlupa hanggang Quezon City araw-araw kaya talagang madami akong nakikita or naeexperience na mga bagay-bagay. Masarap magtravel, promise...
Tanong lang, hindi naman siguro ako makukulong sa mga pinagpopost ko no? Nung nabasa kasi ng kapatid ko ung mga pinost ko, nag-alala siya at baka raw ipakulong ako ng ABS-CBN or GMA... Eh malapit pa naman kami sa Bilibid... Jusku... Anyway, 17 pa lang naman ako eh. 8 months pa bago ako makulong hehe... joke...
Sige people, alis na ko. God bless sa lahat! Comment po kayo...
Posted at 08:25 pm by paoshi03
Permalink
Miss niyo na talaga ako no? Kayo talaga... Haha!
Sorry po kung matagal akong hindi nakapag-update. Baka isipin niyong hindi na nag-eexist itong kaawa-awang blog na 'to. Anyway, salamat po sa mga comments at susubukan ko talagang maging interesting as possible ang mga post ko... Actually, talagang dapat basahin niyo ang mga entry ko dahil pipilitin ko talaga kayo.
Update lang sa buhay ko. Haha... Babagsak na ko sa Calculus mga kaibigan. 70% ang kelangan kong grade sa mga exams para maka-tres. Eh sa previous exams, ang average grade na nakukuha ko ay 60%! Grabe! Hehe... Kaya ko 'to... Pray for me...
So far, un ang kaisa-isang bumabagabag sa isip ko lately. Pero ang nakakatuwa dun, the more na bumabagsak ako, the more na nagpupursige akong mag-aral. Ang drama no? Pero ewan ko, ganun talaga. Ngayon lang, sa buong buhay ko to na-feel. Ayan ang drama na talaga... Ang creepy ko na... Hehe...
Basta salamat po sa mga nagbabasa... Pupuntahan ko rin blogs niyo. One heck of a comment pa ang ilalagay ko haha... Nababagalan lang ako sa internet ko kaya di ako masyado nag-oonline. Basta un...
Sige people, hanggang dito na muna. Ingat kayo lagi. You'll never know kung anong mahuhulog sa ulo niyo. Pwedeng waste ng isang ibon. Or waste ng isang malaking ibon. Or waste ng isang malaking malaking ibon. God bless po...
Comment kayo ha!
Posted at 07:20 am by paoshi03
Permalink
Saturday, February 04, 2006
"Oh mani mani! Madaming bawang! Mani mani!"
Siguro naman nakasakay na kayo ng bus no? At siguro naman nakikita niyo ang mga dakilang mani vendor na pumapasok sa bus para mag-amoy bawang ang loob? Hehe... La lang... Ganito kasi ung experience ko sa mani vendor...
Nung Friday, February 3, 2006, sumakay na'ko ng bus sa Ayala pauwi. Yung bus na un, dumadaan ng Magallanes. Pagdating sa Magallanes, me umakyat na mani vendor. Tapos siguro wala ako masyadong iniisip nun kaya napansin ko lang ung "monologue" or "catch phrase" niya sa pagbebenta...
"Oh mani mani! Madaming bawang! Mani mani!"
Di ko alam kung bakit ko napansin un pero me mga kasunod pa. Ung isang pasahero (babae) na nakaupo sa bandang likuran ko, bumili siya ng mani. 10 pesos yata. Pagkatapos niyang bumili, sabi nung mani vendor...
"Eto'ng mani, sampung piso. I love you."
What?! Hehe syempre alam ko pakulo lang yan nung mani vendor. At mabenta ha, na-entertain ako. Me kasunod pa yan. Pagkatapos ng pagfflirt niya dun sa babae, pumwesto siya sa may pintuan ng bus. Diba ung mga vendor na yan, sumasaydline na maging barker? Kaya un, nagtawag siya ng mga pasahero... Alam niyo kung anong sabi?
"Alabang! Alabang! Pacita! Pasok mga boys, madaming girls!"
What uli?! Hehe... Ang saya! Ako tuloy napangiti. Napatingin na rin ako sa mga pasahero ng bus. Aba, oo nga! Puro girls ung mga pasahero! Pero very old girls naman hehe... La lang... Ewan ko talaga kung bakit pero natuwa ako sa mga pinagsasasabi nung baliw na vendor.
At as usual, napaisip na naman ako. Kaya nga ako nainspire na gumawa ng entry tungkol sa mani vendor eh. Hehe naisip ko lang kung gano kasimple ang buhay nung mga tindero sa bus. Dati pag nakikita ko sila, laging pumapasok sa isip ko, "sus, sino namang bibili sa kanila?". Siguro kasi pinalaki akong nakatatak sa isip na madudumi ung mga binibenta nila. Pero ngayon, sa init ng panahon, sa kawalan ng perang bumili ng kape sa Starbucks, at sa gutom na dala ng pagco2mmute, it's either mani or die.
Tao rin sila diba? Marunong maging masaya, maging malungkot at marunong matakot. Sa mga panahong nagbebenta sila ng mani, darating din sa kanila ung feeling na walang masamang mangyayari sa araw na un, kikita sila ng malaki, makakapag-uwi sila ng pagkain sa pamilya nila, me pansugal na naman sila o kaya ay mabebenta nilang lahat ang mani nila. Parang sa isang estudyante diba? Mafifeel mo na sa araw na un, walang mangyayaring masama, mapeperfect mo ang mga quizzes mo, mapupuri ka ng teacher mo, magsasaya kayo ng barkada mo buong araw, at pagdating mo sa bahay wala kang poproblemahing assignment. Simple lang diba...
...
Ang boring noh? Puro mani ang pinaguusapan. Sorry kung medyo nagiging "philosophical" ang mga pananaw ko hehehe... Wala pa kong maisip ipost eh. Anyway, ang gusto ko lang sabihin, nag-enjoy ako dun sa baliw na vendor. Hehe un lang...
Hanggang dito na muna ha? Ingat kayo lagi. Baka dumami ang pimples sa kakakain ng mani... God bless! Comment kayo ha...
Posted at 08:33 pm by paoshi03
Permalink
Masaya dapat pag Anniversary diba?
Nung sinundo ko si Ella (friend ko) sa dorm niya, kinuwento niya sakin ung nangyari sa Wowowee. Nung una parang wala lang sakin... "Ahh okay..." ganyan lang reaction ko nun. Pero nung mom ko na ung nagkwento sakin, syet... ang tragic talaga...
Kung hindi iaanalyze ung incident, at kung sobrang babaw lang ng utak mo, iisipin mong kasalanan itong lahat ni Willie Revillame (host). Pero hindi naman talaga. Actually un nga rin una kong inisip eh... "Ayan kasi! Pa-Ultra-Ultra pa!" Nakakaawa lang talaga ung mga namatay at mga namatayan...
Speaking of awa, madali akong maawa. As in madali... very easy... not so hard... not so difficult... Kaya nung nalaman ko pang puro matatandang babae ang karamihan sa mga namatay, naku... nakakaawa talaga! Tsaka nanonood din kasi ako ng Wowowee kaya alam ko kung sinu-sino at anu-ano ang mga itsura ng mga faithful viewers.
Bakit kaya nagka-stampede noh? Sabi raw kasi, me mga nag-overnight dun sa Ultra kagabi. Ganun sila ka-excited sa celebration. Tapos nung nagpapasok na raw, sinarado na agad ung gate, meaning hindi lahat nakapasok. Kaya raw nagstampede. Ang tagal-tagal daw kasi nilang naghintay tapos sasaraduhan lang sila ng gate. Hindi yata sila makakapayag nun! Tsaka halos silang lahat, walang dalang pera. Nagbabakasakali lang talaga silang mabigyan ng dollars sa Wowowee. Pera nga naman oh...
Ano kaya itsura nung mga namatay sa stampede? Madami kayang bakat ng sapatos sa mukha nila? Ung iba naman daw, hindi nakahinga sa sikip. Ung iba, hindi nakaya ang sari-saring baho ng mga tao (ngyak!). Karamihan siguro naapakan na lang. Imagine? Nakatayo ka lang, nakikisabay sa daloy ng tao. Maya-maya konti, na-out of balance ka, nahulog, naapak-apakan, patay! Ganun lang kasimple ang death mo. Wala man lang twist. Tsk tsk... Stampede nga naman oh...
Moral lesson? Pag-aralang umakyat ng walls para hindi masama sa stampede. Ehem... Ang natutunan ko lang naman dyan eh talagang madaming nanonood ng Wowowee. Madami na talagang taong naghihirap sa Pinas. At masasama itong insidenteng ito sa kasaysayan ng Philippine Entertainment hehe...
Haay... Ayan tuloy na-postpone ung Big Brother... Pagdasal na lang natin ang mga namatay at namatayan. Sana hindi na 'to maulit no? Para wala nang ibang palabas na mapo-postpone... Kaya kayo, lagi ko kayong sinasabihan ng "ingat lagi!" and I really meant every single one (shucks...) hehe... Kaya... Ingat lagi!!!
God bless sa inyong lahat. Wag sasama sa stampede ha? Comment kayo!
Posted at 06:43 am by paoshi03
Permalink
Wednesday, February 01, 2006
Pinoy ako, pinoy tayo!
Sa Feb4, Pinoy Big Brother na naman! Iba talaga ang pinoy no? Biruin mo, celebrity edition? Yuck ha... Para sakin kasi, chance na naman yan ng mga artista para magpaka-plastic para ipakita sa viewers ang "totoong personality" nlia. Or para gumanda ang image nila. Ewan ha hehe...
Dati, nung nanalo si Nene, natuwa ako nang marinig kong me Season 2 ang Big Brother. Pero nung nalaman kong mga artista ang papasok... Ay, corny na! Para tuloy malaki ang galit ko sa mga artista no? Hehe di naman...
Isa pa ung reality show mismo. Alam kong pumipili ang mga producers ng iba't ibang tao na may kanya-kanyang "character" para magsama-sama sa bahay. Expected na syempre ang pag-aalitan sa loob... Pero kung iisipin niyo, bakit nila pinili si Franzen? Kasi mahirap siya diba? Para may kaawaan? Bakit nila pinili si Racquel? Kasi alam nilang kaaayawan siya diba? Pati si JB? Hindi ba parang exploitation un?
Anyway, di ko sila masisisi. Un naman kasi ang goal nila diba? Tumaas ang ratings. At talagang mataas ang ratings nila! Feeling ko ang daming nanood nung The Big Night. Un yata ang episode na may pinakamaraming viewers (sumunod sa The Battle: Pacquiao vs. Morales). Hehe aaminin ko, nanonood ako nun!
Kaso ngayon, mga artista?! Me nakapagsabi sakin na once you enter showbusiness, your life is an open book. So bakit pa nila kelangang magpa-Big Brother kung habang nasa labas pa sila ng bahay eh ang dami ng nakakaalam kung anong klaseng tao sila diba? La lang... Basta para sakin, I'm not interested. And I won't be. (taray...)
Split pa rin ang opinions ko regarding Big Brother. Kasi me part sakin na na-eexcite para makita kung sino ang mga celebrities na papasok. Syempre medyo excited na rin ako sa mga gagawin nila sa loob. Pero siguro ang gusto ko lang malaman ay kung sino ang makakatagal sa loob. Pero para sa mga "problema" nila sa buhay... sus! Never mind...
Sa boses ni Big Brother, hindi ba kayo napapangitan? Hehe la lang... Para kasing kung sinong tao na lang ang hinila nila para magboses dun eh. Isa pa si Willie. Ang galing galing galing niyang maghost!!! Syet... Talagang iniisip niya kung ano ang sasabihin niya, literally! At sa kakaisip, tumatagal bago siya nakakapagsalita sa mic. Minsan, nagkakamali pa siya sa english niya. Pansin niyo ba un?!
"Sam, YOU... ARE THE PIP... EBIKTI!!!" <--- Naaalala niyo ba yan? Feeling ko tumalisk laway ni Willie nang sinabi niya yan. Feeling niya kasi siguro na sikat na sikat na nun si Sam kaya nung nalaman niyang siya ang ma-eevict, buong feeling niyang inanunsyo sa mundo niya SIYA ANG EBIKTI!!!
Sige yun lang... Nood na lang tayo no? February 4 sa ABS-CBN. (aba, sponsor?) Hanggang dito na muna...
God bless sa lahat! Comment kayo ha...
Posted at 10:49 pm by paoshi03
Permalink
Soap Operas...
La lang... Pansin niyo ba na parang walang kwenta na ang mga telenovela ngayon? Ewan ko kung ako lang ang umaayaw sa mga palabas na ganun pero feeling ko rin na parang nawawalan na ng ganda ang mga soap operas ngayon.
Naabutan niyo pa ba ung Mula sa Puso? Pangako Sa'yo? Diba tumagal sila ng ilang taon? Eh ngayon? Ano na nangyayari? Ilang buwan lang sila diba? Mga 6 months at most? Parang sayang sa pera no?
Anyway, sa mga telenovela ngayon, naaawa talaga ako sa Panday. Di naman sa ayaw ko kay Papa Echo at kay Heart... ay wait... Ayoko pala talaga sa kanila. Kasi feeling ko nagpapapogi lang si Jericho at nagpapaganda lang si Heart. Eh ang OA pa naman nilang dalawa... Tapos me pakulo pa silang "second yugto"? Naku... Hehe...
Naaalala niyo pa ung kay Juday at kay Robin Padilla? Ung action/love story? Hehe... corny! Na-cornihan talaga ako. Me nalalaman pa silang "live ending" ha? Hehe... Naisip ko lang, ganun ba kadesperado si Juday na sumikat at pati action na telenovela pinatulan niya?
Mas lalo naman yata si Claudine diba? Nasayang ung talent niya sa acting nung nagsimula siyang maging sirena... Pero natuwa ako dun sa Marina. Medyo masaya na rin.
Eh ung Kampanerang Kuba? Napanood niyo rin ba? Syet... Musical ang wala! Pinapakanta ang mga walang talent sa pagkanta! Syet... Kakarindi... Pero gusto ko dun ung mga madre. Masaya sila eh hehehe... Kaso ung ending? Ung pinagmamalaki ng ABS-CBN na ending?! Ung "En Grandeng Ending"?!?! Ang corny! Kung napanood niyo ung Shrek (part 1), parang ganun ang scene hehehe...
Ang nagustuhan ko lang na recent na telenovela ay ung Encantadia. Medyo natuwa pa ko dun eh. Feel na feel kasi ng mga artista ung role nila. Tsaka me story talaga. Ganda pa ni Cassiopeia! Hehe... Ung Darna rin daw maganda kaso di ko nasimulan eh...
Ung Sugo naman. Okay lang, nasimulan ko at parang nagandahan din ako. Kaso nawalan ako ng time manood. Kaya yun... Di ko na nasubaybayan. Ganda rin ni Isabela Oli no? Hehe...
Ang sakin lang naman, parang sayang ung pera ng mga producers sa kakagawa ng mga soap operas na hindi naman kagandahan at ung hindi naman masyadong malakas ang impact sa viewers. Pano kung sawa na ang mga tao sa telenovelas diba? Feeling ko nga mas uso na ngayon ang reality shows eh... Sa mga artista naman, kung ganun sila kadesperadong sumikat o magkapera, aba wala na kong pakialam pero sayang naman ung slot ng palabas niyo. Mas maganda pa kung ieextend na lang ang TV Patrol o 24 Oras...
Un lang... Naku pag nabasa kaya to ng mga nagtatrabaho sa ABS-CBN, ipapahuli kaya nila ako? Hehe... Pag ako nakulong alam niyo kung san ako hahanapin ha? (bagong inaaping star sa Anghel na Walang Langit) Hehe... SIge po dito na muna...
God bless sa lahat! Comment kayo ha...
Posted at 07:34 pm by paoshi03
Permalink
Hi! First entry ko to...
Puro katatawanan lang 'tong blog na 'to. Halos lahat ng entry ko, mga opinyon ko regarding certain topics. Sana bisitahin niyo lagi ito hehe...
About me? Basahin niyo na lang profile ko. Hindi pa tapos un kasi feel kong lagyan lahat ng info dun (Color, Cars, Music, etc.). Kaya yun, pakibasa na lang ha? Hehe...
God bless sa lahat! I'll keep you posted. 
Posted at 07:16 pm by paoshi03
Permalink
|
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
 |
|
 |